Pagod na ko
- Anything Merry
- Sep 22, 2017
- 1 min read

Pagod na ko sa sinasabi nilang paulit-ulit na hindi ko ginagawa ang makakaya ko
Pagod na pagod na ko sa mga katagang "kulang pa, ano ba, galingan mo naman".
Kasi kahit kailnan hindi ako magiging sapat.
Alam ko
Hinding-hindi ako magiging sapat
Pagod na ko dahil sa harapan ng maraming tao malakas ako
Oo malakas ako
Ako yung tipong hindi basta-basta susuko
Kasi nga malakas ako
Kaya lang,
Pagod na ko
pasensya na talaga
Hindi ko naman ginustong sumuko
pero alam mo?
Kaya ako napapagod kasi pinipilit ko
Yun nga pala ang labang ito ay hindi lang ako
Ang mga pagsubok na haharapin ko
Ay hindi lang para saakin
dalawa nating tatahakin
napapagod na ko kasi paulit-ulit
Paulit-ulit kong ginagawa ang mga bagay sa sarili kong kakayahan
Naalala ko,
hindi ko nga pala kaya
hindi ko kaya na ako lang magisa
kaya naman sa araw araw na laban ko
sa bawat hakbang na haharapin ko
hindi na magiisa
Sa aking kahinaan, Gagawin kitang kalakasan.
Comments