Merry Correa. Merry Life. Merry Story.
March 13, 2019
So today while I am at my desk, I wonder how can a person continually love me despite my flaws? Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung anong ginawa ko para ma deserve ang isang taong tanggap ako kahit alam nya ang lahat ng nasa past ko, kahit na may mga panahong naaaway ko sya at hindi ako nag so sorry- pinapatawad parin ako. Iniisip ko bakit pinipili niya parin akong mahalin kahit wala naman talagang espesyal sakin.
Let me make a list para mas ma appreciate natin: Binibigyan nya ko ng baon niya para di na ko gumastos, he shares his Netflix and Spotify premium subscription, he shares with the gas expenses since magkalapit kami ng work ng ate ko, he drives us home, he treats me chicken joy when I’m really in a bad mood despite the fact na onti nalang mag aagaw buhay na kasi 7days to sahod pa. These things make me ask myself, anong ginawa ko to deserve this?
Through this person, I understood how Jesus loves me. Napakahirap kong mahalin, I’m a difficult person. When I’m mad, He chooses to stay. When I’m down he keeps my company kasi he knows that I needed to be reminded that I am not alone in this journey. He gives me things although I did not ask for it because he loves me. Grabe parang si Jesus.

Love is accepting a perfectly imperfect person. It is unconditional. When you choose to love a person, lahat ng past nya at ang flaws nya, kasama sa minahal mo. When I realized how well loved I was, I started changing not because the other person asked me to do so but because I realized that a great lover doesn’t deserve a person like me. And my changed behavior is my way of saying that I appreciate his kindness. His treatment made me realize that I can change for the better. His love was so overwhelming that I myself chose to love him back. The change was never imposed, never solicited, never asked. I just decided na deserve ng taong to ng better version of me.
Ganon pala yung overwhelming love. Reckless love of God. Kapag na realize mo kung gaano ka niya kamahal, mahihiya kang hindi suklian ang pagmamahal niya. Hindi natin deserve pero pinili niya paring magpatuloy sa pagmamahal sayo. Kapag na realize mo kung gano ka perfect yung love ng isang tao towards you, ikaw yung mahihiya na hindi magbago. Ngayong naintindihan ko na kung pano niya ko pinipiling mahalin araw-araw, pinipili kong maging better person para sakanya dahil hindi deserve ng tunay na nagmamahal na hindi masuklian ang pagmamahal niya.

Kung narealize lang natin ang weight ng love ni Jesus for us when He gave His life on the cross, maiintindihan natin ang love. Kapag nakikita natin na nagpapatuloy si Lord sa pag bless satin at pagpatawad sa atin ng paulit-ulit, pipiliin natin manatili at magmahal ng lubos.
Kahit na ilang beses pa natin siya ipagtulakan, kahit na madalas naaalala lang natin siya pag tayo ay may kailangan, kahit na pagibig niya ay hindi natin sinusuklian, pinipil niya parin manatili. Wala eh, nagmamahal.
Kaya naintidihan ko na ang pagmamahal ay pinipili. God remained faithful kahit unfaithful tayo. He continued to stay kahit na hindi naman natin na a appreciate ang pagmamahal niya. Kung naintindihan lang natin kung pano siya magmahal, pipiliin din nating mahal rin siya gaya ng pagmamahal niya.
Pinipili lang natin ang isang bagay sa grocery kung alam natin kung para saan yon. Sa dami ng toothpaste sa shelf, pipiliin mo yung hindi lang maganda sa paningin mo. Kukunin mo yung toothpaste na tried and tested, yung alam mong sulit. Sa multiple choice na exam, pipiliin mo ang letter A kasi naniniwala ka na yun ang tamang sagot (syempre exemption yung nag mini-mini mi-ni-mo ka lang). Pinipili natin ang isang bagay na alam natin, kinukuha natin ang naiiitntindihan natin.
​
If we will only understand how deep is the love of Jesus for us, we will choose to love.
Love is patient, kind, does not envy, does not boast and is not proud. Not easily angered and keeps no record of wrongs.
​