top of page

MRTserye

  • Writer: Anything Merry
    Anything Merry
  • Nov 17, 2016
  • 1 min read

Mahirap maghintay sa di ka sigurado,

Puno ng tanong at alangan ang isip mo.

Darating pa ba ito

O pagdumating ba, para nga ba talaga sayo.

Pero kahit na ganun, andiyan ka parin.

Kahit nakakapagod, aantayin.

Mga reklamo'y itatago at hindi aaminin.

Dumating ka lang lahat ng alinlangan ay mapapawi rin.

Ngunit kung hindi para sayo ito, kailangang tanggapin

Kung gusto mo nang sumuko hinga ng malalim.

Pikit ang mata, idaan sa panalangin

Tandaan:

Ang para sayo ay dadating

Yung taong pwede mong tawaging "akin"

Lahat ng dinala sa panalangin.

Siguradong ikaw ay yayakapin.


Comentários


SHARE ANYTHING !

#AnythingMerry #TipsForAMerryLife 

MERRY LIFE. MERRY STORY. ANYTHING MERRY.

bottom of page