Paalam
- Anything Merry
- Nov 16, 2016
- 1 min read

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman nung oras na ng pagpapaalam
Naiwan ako sa ere ng ikaw ay lumisan
Ginawa ko naman ang lahat para sakit ay maibsan
Wala talaga, di ko kayang ikaw ay pagmasdan.
Ano nga ba talaga ang nangyari?
Paulit ulit kong tinatanong ang aking sarili
Pagkakataon ba sakin ay gumaganti?
Alam ko namang aayos din ang lahat
Kasi yun naman talaga ang nararapat
Darating din yung talagang tapat
Yung presensya palang, alam kong sapat.
Darating ang ang araw mamimiss mo rin ako
Gigising din ako na lahat ay nagbago
Hindi ko na kailangan ng ikaw at ako
HAt magsisisi sa huli ay ikaw mismo
Kung iisipin, ang dami talagang nagdaan
Sa dami, nakakapanghinayang
Di ko maintindihan kung para saan ang paalam
Pero sabi mo nga "eh kasi wala ka namang alam"
Comments